Pinalayang Pinoy seaman ng Iranian Naval Authorities, nakauwi na sa bansa

Dumating na sa Pilipinas ang Pinoy Seaman na crew ng MSC Aries na halos isang buwan na nasa kustodiya ng Irananian Naval Authorities.

Ayon sa Department of Migrant Workers, dumating kahapon ng hapon ang crewman sakay ng isang flight mula sa Middle East.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Pinangunahan nina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, OWWA Administrator Arnel Ignacio, at DFA Assistant Secretary Mardomel Celo Melicor ang welcome party para sa pagbabalik ng Filipino crewman.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Matatandaang noong April 13, nang kubkubin ng Iranian Navy Officials ang MSC Aries habang binabagtas nito ang Strait of Hormuz kung saan sakay nito ang nasa 25 seafarers kabilang na ang apat na Pilipino.