NCRPO, magpapakalat ng mahigit 20k pulis sa SONA ni Pangulong Marcos

Humigit-kumulang 22,000 libong mga pulis ang ipapakalat sa NCR para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.

Partikular na itatalaga ang mga pulis sa Batasang Pambansa.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon kay NCRPO Director, PMGEN Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy na ipapatupad ang maximum tolerance.

Dagdag pa ni Nartatez wala pa namang anumang security threat ang kanilang namomonitor na may kaugnayn sa SONA ng Pangulo.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Gayunman, tuloy tuloy ang kanilang pagbabantay sa ibat ibang threat group kasama na ang mga makakakaliwang grupo na kadalasang nagkikilos protesta.