Pinakamahalagang tungkulin ng DRD sa Mayon operations, ipinaliwanag

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang pinakamahmahahalagang tungkulin ng Disaster Response Desk (DRD) para sa Mayon operations.

Dahil dito, ipinulong ng Pamahalaang Panlalawigan kasama si APSEMO Chief Dr. Cedric Daep ang mga cluster leaders ng DRD upang talakayin ang mga tungkulin at responsibilidad ng konseho para sa maayos na pamamahala ng mga operasyon lalo na sa pagtugon sa pag-aalburuto ng nasabing bulkan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Daep, isa sa mga tungkulin umano na dapat makamit ng DRD ay ang pagbibigay at pagtitiyak na ang serbisyo ay naaayon sa Humanitarian Response Plan.

Nakiusap rin si Daep sa mga clusters leaders na kung sakaling magkaroon ng problema sa bawat cluster, dapat silang magbigay ng mga solusyon o rekomendasyon lalo na’t sila lang ang may kaalaman sa kung anong aksyon ang dapat gawin ng lalawigan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung matatandaan, nakagawa na ang DRD ng labindalawang (12) clusters, kung saan sakop nito ang mga sector ng agrikultura, food security at livelihood, camp coordination and camp management, early recovery, emergency shelter, kalusugan, tubig, sanitasyon, at kalinisan, nutrisyon, logistik, proteksyon, kapaligiran, at turismo, at ang edukasyon.

Ayon pa kay Daep, palagi umanong susubaybayan ng susuriin ng kanilang opisina kasama ang DRD council para magawa ng bawat cluster ang kanilang mga tungkulin.