Watchman, patay sa ‘accidental firing’

Hindi na nakarating ng buhay sa ospital ang watchman sa isang construction site matapos na aksidenteng maputukan ito ng sariling baril sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, ang biktima ay nakilalang si Rodel Gotis Armingol, 55-anyos, may asawa, dating Cafgu at naninirahan sa Brgy Laboy ng nasabing bayan.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Ayon sa Matnog MPS, isang concerned citizen ang nagpaabot sa kanilang himpilan na may isang lalaki na dinala sa Irosin Hospital na may tama ng baril.

Sa panayam ng Brigada News sa imbestigador ng nasabing himpilan, naglalakad umano ang biktima patungo sa construction site para mag-duty nang biglang nahulog ang dalang baril at aksidenteng pumutok kung saan ang bala ay tumama sa dibdib nito.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Naitakbo ito ng kapatid sa ospital subalit idineklara itong ‘dead on arrival’ ng sumuring doktor.

Lumabas naman sa imbestigasyon ng Pulisya na ang baril ay isang improvised shotgun na pag-aari ng biktima.

Ang baril ay nasa kustudiya na ng Matnog MPS para sa kaukulang disposisyon.