Pinaigting na military operations ipagpatuloy matapos ang madiskubre ang mga de-kalibreng armas sa Albay- 9th ID Phil. Army

CAMARINES SUR- De-kalibreng mga armas at bala ang nahukay ng mga militar at pulis na nakabaon sa Oas, Albay, pinaniniwalaang pag-aari ito ng mga miyembro ng New People’s Army.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay 9th Infanty Division Philippine Army Chief Major Frank Roldan, sinabing dapat na ipagpatuloy ng kanilang hanay ang pinaigting na military operations upang tuldukan ang local communist armed conflict.  Ang pagkakadiskubre aniya ng taguan ng armas ay parte na ng pina-igting na operasyon.

Pakiusap nito sa publiko, panatilihin ang maayos na koordinasyon sa mga otoridad at aaksyon sila para masiguro ang kapayapaaan sa isang komunidad.

Sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur, na kamakailan lamang may sumukong rebelde, sinabi ni PLT. Mark Spaña, hepe ng Presentacion MPS na patuloy ang kanilang monitoring at ngayon wala namang sitings ng mga rebelde sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *