Pilipinas, umakyat sa 33rd spot sa latest Nikkei COVID-19 recovery rankings

Gumanda ang ranking ng Pilipinas sa Tokyo-based news magazine Nikkei Asia para sa COVID-19 recovery rankings, sa 33rd place mula sa 57th place noong December 2021.

Batay sa kanilang May 31 report na inilabas lang noong Biyernes, ang Pilipinas kasama ang Vietnam ay nagtala ng kanilang “best performances” noong nakaraang buwan, matapos mapanatiling mababa ang kaso ng COVID-19, habang minamanage ang pagluluwag ng restrictions.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Matatandaan na noong 2021, malaki rin ang itinaas ng bansa mula sa 103rd place noong Oktubre sa 57th noong Disyembre, kasabay ng ng Tajikistan, Norway, at Malaysia.

Dahil sa pagiging 33rd spot noong Mayo, lamang na ang Pilipinas mula sa mahigit 80 ibang mga bansa, kabilang na ang Switzerland (38), Israel (44), Japan (53), United Kingdom (58), Canada (60), Australia at Hong Kong (71), New Zealand (75), Singapore (79), United States (89), at China (93).

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase