NAGA CITY – Nasa pangangalaga ngayon ng Bantay Familya ang ilang mga kababaihang biktima ng pananakit pisikal ng kani-kanilang mga asawa na lalong dumami matapos ng pag lockdown dahil sa pandemya.
Ang ganitong isyu ay siya pa ring nangungunang kasong hinahawakan ng opisinang ito na hinahawakan ni Vice Mayor Cecilia “nene” De Asisna ayun sa kanya ay isinasailalim sa legal na proseso ang lahat, para makasuhan ang mga lalaking patuloy na nananakit sa kanilang asawa at mga anak.
Sa pakiki-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay De Asis, na pag-alaman na may biktima na ayaw pa ring magsumbong sa kanilang opisina dahil sa ayaw na ng iskandalo at ayaw maparusahan ang kanilang mga asawa.
Ang mga kapitbahay na mismo ng mga biktima ang nagpapaabot ng sumbong sa kanilang opisina, kanila itong benipirika bago ang kanilang pag-aksyon.
Tulad ng dati, isinasailalim sa counseling ang mga biktima para kahit papano mawala ang traumang naranasan ng mga ito.
Samantala,nabanggit pa ni de Asis na binabantayan din nila ang programang Lalaki Kontra sa Karahasan (KKK), dito naman ay ang mga lalaki ang biktima ng pananakit ng kanilang mga asawang babae.