DOH, naglabas ng public health warning kaugnay sa ashfall mula sa Bulusan Volcano

Naglabas ang Department of Health ng public health warning kaunay sa ashfall mula sa Bulusan Volcano, na ngayon ay isinailalim sa Alert Level 1, kasunod ng phreatic eruption kahapon.

Ayon sa DOH, ang volcanic ash na inilalabas ng Bulusan Volcano a Sorsogon ay naglalaman kasi ng carbon dioxide at fluorine, na may masamang epekto sa kalusugan ng tao kapag nalanghap.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na iwasan ang direct exposure sa volcanic ash; manaliting nasa loob ng bahay, isara ang mga bintana at pinto; at panatilihing basa ang kapaligiran para mapigilan pagpaso ng alikabok.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ipinapayo rin ang pagsusuot ng glasses o goggles; ipasok ang mga hayop; tanggalin ang mga abo mula sa bubong ng bahay at alamin ang sitwasyon sa mga kalsada bago bumiyeha.