Pilipinas – tanging bansa sa West Pacific na nag-ulat ng cholera

Nagiisa ang Pilipinas sa 30 bansa sa Western Pacific na nag-ulat ng mga kaso ng cholera o acute water disease noong 2023.

Base sa datos ng World Health Organization 708,200 na kaso ng cholera sa buong mundo.

Noong nakaraang taon, tanging ang Pilipinas ang bansa sa Western Pacific Region ang may cholera outbreak.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sinabi ng Department of Health nakapagtala sila ng 3,756 kaso ng cholera ang naiulat noong nakaraang taon kabilang ang 19 namatay.

Ayon sa WHO, ang cholera ay isang extremely virulent na sakit na maaaring magdulot ng matinding acute watery diarrhea dahil sa paglunok ng pagkain o tubig na kontaminado ng bacterium Vibrio cholera.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Nakakaapekto ang impekayong ito sa parehong mga bata at matatanda at maaaring pumatay sa loob ng ilang oras kung hindi ginagamot.