Resolusyong bubuo ng board of claims sa DOJ, inihain sa Senado

Binigyang-diin ni Senador Robin Padilla na sa ilalim ng 1987 Constitution Section 1, Article 3 nakasulat na walang sinumang indibidwal ang siyang dapat alisan ng buhay, kalayaan o maging pantay na proteksyon sa batas.

Kaugnay nito, inihain ng senador sa Senado ang Senate Bill No. 2547 o Mohammad Said Act.

Read More:  DENR studying legal options vs Navotas landfill operator

Kung saan layunin ng nasabing panukala na bumuo ng board of claims sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) na tututok para sa mga biktima ng ‘di makatarungang pagkakulong o detention dahil sa ‘mistaken identity’.

Read More:  Police major allegedly linked to illegal online cockfighting relieved from post

Sa ilalim nito ay papatawan ng mas malaking kabayaran ang mga mapatutunayang sangkot sa maling pag-aresto o pagkulong.

Dagdag pa niya, ang multa sa mga ito ay magbabase sa gaano katagal ang panahon ng pagkakulong o detention sa mga na-‘mistaken identity’ na indibidwal.