Pilipinas, nasa ika-116 na pwesto sa international corruption index

Bahagyang tumaas ang ranggo ng Pilipinas sa international corruption index sa 180 mga bansa.

Sa 2022 Corruption Perception Index (CPI) ng anti-corruption watchdog na Transparency International, napunta ang Pilipinas sa ika-116 na puwesto mas mataas sa dating ranggo nitong ika-117 noong 2021.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Gayunpaman, napanatili ng Pilipinas ang low score nito sa 33 out of 100.

Ang marka ng isang bansa, ayon sa Transparency International ay ang nakikitang antas ng katiwalian sa public sector sa sukat na 0-100,kung saan ang 0 ay nangangahulugang highly corrupt at 100 ay nangangahulugang very clean.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Katulad ng corruption index noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay muling kabilang sa mga bansang na-tag bilang “significant decliners” matapos bumaba ang CPI score nito mula sa 38 out of 100 noong 2014.