Mas mahigpit na pagpapasunod ng batas trapiko asahan sa Buhi, Camarines Sur kasunod ng pagkamatay ng estudyanteng nahulong sa tricycle

NAGA CITY- Asahan na ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko sa Buhi, Camarines Sur. Ito ay matapos na mahulog sa sinasakyang tricycle at nasagasaan-patay pa ang 16-anyos na dalagitang estudyante.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Andrew Alcomendas, hepe ng Buhi PNP. Aniya kaaagad nahuli ang driver ng tricycle at nahaharap na ito sa kaukulang kaso.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya sa kanilang panig hindi sila nagkulang sa pag-papaalala, nagkaroon pa ng seminar kasama ang Land Transportation Office noong magdaang taon pero mayroon pa ring lumalabag at natitickitan.

Nang mangyari aniya ang aksidente noong Enero 24, nagkakaroon din sila ng Oplan Sita pero hindi aniya natiyempuhan ang naturang tricycle.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa panig naman ng LGU , sinabi sa BNFM ni Mark Anthony Nazarea, tagapagsalita ng LGU , irereview ang mga ordinansa sa batas trapiko pati ang nararapat na penalidad para sa mga violators.

Mababatid na pasado alas-5 ng hapon nang maaksidente si Mary Joy Palado sa overloaded na tricycle, umarangkada umano pero hindi pa pala nakakakapit muli ang biktima.