Pilipinas, nanganganib na mapabilang sa mga international sporting events

Nanganganib ang Pilipinas na maging parte ng iba’t ibang world championships kung hindi sumunod ang Philippine Sports Commission (PSC) sa World Anti- Doping Agency (WADA) Code. 

Kabilang rito ang Paris Olympics, Paralympic Games, Asian Games, Southeast Asian Games, pati na rin ang iba’t ibang palarong internasyonal.

Ginawa ng WADA ang babala sa isang abiso sa PSC na nagdiin sa hindi pagsunod nito sa WADA Code.

Inabisuhan ang PSC sa pamamagitan ng Philippine National Anti-Doping Agency (Phinado) noong Setyembre ng nakaraang taon upang sumunod sa WADA Code ngunit hindi na ito tumugon.

Dahil dito, binigyan na lamang ng WADA ang PSC ng apat na buwan para sumunod sa deadline, na nag-expire na noong Lunes.

###