Archdiocese ng Quebec, inakusahan ng sexual assault sa isang dalaga

Inakusahan sa Canada si Cardinal Gerald Lacroix (LAKWUH) ng sexual assault sa isang dalaga, na bahagi ng class action lawsuit laban sa archdiocese ng Quebec.

Dahil dito, nahaharap si Lacroix sa mga akusang pang-aabuso mula noong 1987 hanggang 1988.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ayon sa abogadong si Alain Arsenault, mas malaya nang nakakapagsalita ang biktma matapos ang ilang taong pananahimik.

Kilala si Lacroix bilang malapit na kaibigan ni Pope Francis, na naging arsobispo ng Quebec mula noong 2011 at isang kardinal mula noong 2014.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Naglingkod rin siya noong nakaraang taon sa Council of Cardinal Advisors ng pontiff, na regular na nagpupulong sa Vatican.