Pilipinas, nakamit ang crowd record ng FIBA

Nasungkit ng Pilipinas ang inaasam-asam na attendance record ng FIBA World Cup sa laro ng Gilas-Dominican Republic, kagabi.

Nasa 38,115 ang nanuod ng laban sa Philippine Arena para sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Binasag nito ang FIBA crowd record noong 1994 World Cup finals na pinanood ng 32,616 na fans.

Ayon kay FIBA Basketball World Cup 2023 Chairman Richard Carrion, simula pa lamang ito sa hindi malilimutang kasaysayan ng FIBA at nasasabik pa siya kung ano ang mangyayari sa mga susunod pang laro; hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa Japan at Indonesia.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada