Pilipinas naghain ng pormal na protesta laban sa China

Inireklamo ng Pilipinas ang panibagong insidente ng harassment, panghaharang, at pambobomba ng mga barko ng Chinese Coast Guard matapos ang pinakahuling insidente sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon sa National Task Force-West Philippine Sea binugahan ng tubig ng barko ng China ang civilian vessel ng bansa na ML Kalayaan.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Sinabi pa nito na pinipilit umano ang Pilipinas na mag-iba ng direksyon ang barko ngunit na bigo ito.

Direktang ipinarating ng Department of Foreign Affairs sa China ang protesta sa pamamagitan ng maritime communication mechanism.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mariin na sinabihan ng Pilipinas ang China na dapat ng umalis ang mga barko nito sa Ayungin Shoal.

Muli namang kinondena ng Pilipinas ang maniobra na ginagawa ng mga barko ng China sa lehitimong rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.