China, pinaratanggan ang Pilipinas na nanghihimasok umano kanilang teritoryo

Pinaratanggan ng China ang Pilipinas na nanghihimasok umano sa kanilang teritoryo matapos ang pinakahuling insidente sa resupply mission ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Giit pa ng China na trespassing ang ginawang resupply mission ng Pilipinas dahil pumasok sa kanilang katubigan ng walang paalam.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Panawagan ng China na itigil na ang panghihimasok sa kanila umanong teritoryo.

Nangako din sila na ipagpapatuloy ang law enforcement activities para mapangalagaan ang kanilang soberanya at ang mga karapatan sa lugar.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ang National Task Force on the West Philippine Sea tinawag nilang unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers ang nangyari insidente.

Naghain na rin ng protesta ang Philippine Embassy sa Beijing kaugnay sa nangyari.