Pinadalhan ng Pilipinas ang China ng isang note verbale kasunod ng latest na insidente sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo – ipinadala nila ang bagong diplomatic protest para tuligsain ang pagkakasugat ng isang Pilipino na naputulan ng daliri nang dahil sa China Coast Guard.
Sa kabila nito, muling tiniyak ni Manalo na positibo pa rin silang papayag ang China na magkaroon ng isang dayalogo para talakayin ang mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Bago ito, una nang idiniin ni Defense Secretary Gibo Teorodo na malinaw na paglabag sa international laws ang ginawa ng China.
Sa kabila niyan, idiniin na ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi gagamit ng dahas ang Pilipinas at patuloy nating paiiralin ang diplomasya.