Apat na dating supporter ng NPA, nagbalik-loob sa pamahalaan

𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗡𝗣𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 Kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ang tatlong supporter ng NPA sa probinsiya ng Cagayan noong ika-24 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Una rito, sumuko sa Sta. Ana Police Station si alyas Laarni, 58-anyos kung saan inihayag nito na taong 2018 nang marekrut ito bilang supporter ng NPA matapos itong dumalo sa isang pagpupulong.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa bayan naman ng Buguey ay sumuko si alyas Jojo, 24-anyos at batay sa kaiyang salaysay ay nagsilbi itong pasabilis ng grupo hanggang sa nagdesisyon itong lumayo upang hindi macontact ng mga miyembro ng NPA.

Sumuko naman sa Pamplona, Cagayan si alyas Tina, 79-anyos upang linisin ang kaniyang pangalan hinggil sa pagkadawit sa makakaliwang pangkat.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Inihayag nito na nagsimula siyang maging supporter noong 2016 at nagsimulang sumali sa mga rally upang ipaglaban umano ang kanilang Karapatan sa ancestral domains.

Samantala, sinabi naman ng isa pang sumuko na si alyas Benjie na naging kublihan ang kaniyang bahay ng mga miyembro ng NPA at nagbibigay din g pagkain, medisina at mga damit sa mga ito.