Muling iginiit ng Pilipinas ang karapatan nitong mag patrolya sa West Philippine Sea kasama na ang Scarborough shoal o Bajo de Masinloc.
Kinontra rin ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang pahayag ng China na hinarang ng barko nila ang isang Philippine Navy ship sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nagsasagawa ng sovereign patrol ang BRP Condrado Yap ng mamataan nito ang isang barko ng Chinese warship sa layong 2.7 nautical miles.
Itinanggi ng AFP na hinarang ng Chinese warship ang barko ng Pilipinas.
Sinabi ni Año na pinalalaki ng China ang insidente para lumikha ng tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing.
Hinila naman ng AFP na gusto lang magpakitang gilas ng China sa kanilang mamamayan.
Samantala, nagbabala ang Philippine Coast Guard sa tatlong pro-China Maritimes hinggil sa propaganda nito na kampi sa China.
