PBBM, kinuwento ang mga kababalaghan sa loob ng palasyo

Naglabas ng vlog si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa mga kababalaghang nangyayari sa loob ng palasyo.

Ito ay ang mga madalas na maramdaman ng Pangulo sa mga multo sa Malacanang simula pa noong kanyang kabataan.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Kinuwento ni Pangulong Marcos na may mga gamit umano ang bigla na lamang gumagalaw kahit wala namang tao.

Gaya na lang ng mga upuan sa state dining room at ang hagdan sa main entrance ng Palasyo na pakiramdam niya ay mayroong sumusunod sa kanya sa tuwing aakyat ng hagdanan.

Read More:  Cayetano seeks Senate approval for Estrada, Marcoleta trial participation

Sa huli pinayuhan ng PBBM ang publiko sa matiwasay na pagdiriwang ng Undas.