Pag-abandona sa China bilang funding source ng PNR sa Bicol, suportado

Nananatiling kumpiyansa si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na maisasakatuparan pa rin ang modernisasyon ng Philippine National Railways partikular ang biyaheng Bicol.

Ito’y kahit pa inabandona na ng Department of Transportation ang China bilang funding source ng proyekto.

Ayon kay Yamsuan, patunay ng pagsusumikap ni Pangulong Bongbong Marcos na matuloy ang Bicol Express project ang ginawang groundbreaking ng resettlement sites para sa mga residente ng Laguna at Quezon na maaapektuhan ng konstruksyon.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Bukod sa tutuparin ang pangako sa mga Bikolano, tiniyak din umano ni Marcos na hindi pababayaan ang mga apektadong residente at ililipat sila sa mga komunidad na maayos na matitirhan.

Naniniwala rin ang kongresista na makikinabang ang gobyerno sa pagkansela sa loan application sa China dahil maaari itong makahanap ng mapagkukunan ng pondo na nag-aalok ng cost-effective financing packages.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Isa aniya sa mga maikokonsidera ng DOTr ang Public-Private Partnership kung saan makatutulong ang foreign funding institutions gaya ng Asian Development Bank o Japan International Cooperation Agency sa electromechanical system.

Popondohan naman umano ng gobyerno ang right-of-way acquisition at rolling stock habang ang pribadong sektor naman ang tututok sa civil works.