23 barangay sa Masbate at Albay, isinailalim sa ‘red category’ ng Comelec kaugnay ng BSKE

Nakapagtala ang Comelec-Bicol ng mahigit 400 ‘’area of concern’’ kaugnay ng Oktubre 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa pahayag sa midya ni Comelec regional director Maria Juana Valeza, sa 3,471 na barangay sa rehiyong Bicol, 448 dito ang nasa ilalim ng kanilang pagbabantay at kabilang sa red, orange ay yellow category.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga barangay sa ilalim ng red category ay nasa lalawigan ng Albay at Masbate na umabot sa 23 barangay kung saan ang 17 barangay ay nasa lalawigan ng Albay at ang 6 ay sa islang lalawigan ng Masbate.

Mayroon namang 312 barangay sa ilalim ng orange category habang 113 barangay naman ang nasa ilalim ng yellow category.

Ipinaliwanag ng Comelec na ang red category ay nanganghulugang may mahigpit na interbensyon ng Pulisya at military habang ang orange category ay may nauna nang naitalang salungatan o records of election-related conflicts subalit manageable.

Ang yellow category naman ay may history na ng election-related incidents and possible employment of partisan armed groups habang ang green category naman ay nangangahulugang walang alalahanin sa seguridad at sa pangkalahatan ay mapayapa at maayos.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *