Pilipinas, magpapadala ng dagdag na Floating Assets sa WPS

Magpapadala ang Pilipinas ng dagdag na floating assets sa West Philippine Sea ngayong taon.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kasabay ito ng patuloy na pag-giit ng Pilipinas sa soberanya at karapatan nitong protektahan ang mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng dagat na ilegal na inaangkin ng China.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Hindi naman nilinaw ng BFAR ang mga uri ng floating assets na ipapadala nila.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Pero ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, naglunsad sila ng livelihood training para sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

Mababatid na ilang resupply boats at barko ng Pilipinas ang binomba at binangga ng China Coast Guard nitong noong nakaraang taon.