Pilipinas hindi magpapasimula ng digmaan ayon kay Pangulong Marcos

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na hindi magpapasimula ng digmaan ang Pilipinas.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang “Talk to the Troops” sa WESCOM sa Puerto Princesa City kahapon.

Binigyang-diin niya na ang layunin ng bansa ay magbigay ng mapayapa at maunlad na buhay sa mga Pilipino.

Aniya, walang pamahalaan ang nanaisin na malagay sa panganib ang buhay at kabuhayan ng kanyang mamamayan.

Tiniyak din ng Pangulo na hindi gagamit ng dahas o pananakot ang gobyerno.

Subalit, paalala niya na ang pagiging kalmado ng mga Pilipino ay hindi nangangahulugan ng pagsuko, dahil wala sa kasaysayan ng bansa ang yumuko sa sinumang dayuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *