VP Sara at PBBM, ‘friends pa rin’

Nananatili raw na ‘friendly with each other’ sina Vice President at resigned Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte at si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay matapos ianunsyo ng bise presidente ang kanyang resignation bilang kalihim ng DepEd, at bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Marcos noong nakaraang linggo.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na magkaibigan pa rin sila ng pangulo ‘on a personal level.’

Paliwanag pa nito, nagtungo siya sa opisina ng presidente dala ang resignation letter, at naging maayos ang pagtanggap ng pangulo rito.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Muli rin niyang binigyang-diin na sa pagbibitiw niya sa pwesto – isinaalang-alang niya ang interest ng kagawaran.

Hindi niya umano kino-consider ang reaksyon ng ibang tao.

Matatandaan namang nag-tandem sina VP Sara at Pangulong Marcos sa ilalim ng UnitTeam Alliance sa ginanap na national election noong 2022.