Pilipinas, hindi lang umano ang tanging bansang binully ng China

‘Nakakagalit na’

‘ganyan kung ilarawan ni Senador JV Ejercito ang kanyang nararamdaman matapos ang pagtamo ng matinding sugat ng walong tauhan ng Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) Elite Units of the Philippine Navy sa naging pag-atake sa kanila ng China Coast Guard (CCG).

Anya, base sa inilabas na video ng Philippines Defense Forces Forum, malinaw na makikitang hindi lang ang Pilipinas ang binully nito.

Dahil noong 2022 ay inatake rin umano ng People’s Liberation Army o ng sandatahang lakas ng People’s Republic of China (PRC) ang mga Indianong militar na nagbabantay noon sa isang disputed border.

Kung saan lumaban naman din pabalik ang mga ito sa pag-atake ng China.

Alinsunod ng nasabing insidente, tiniyak ng senador na susuportahan niya sa bawat budget season ang Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization upang maabot ng bansa ang kinakailangan nitong defense posture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *