MMDA at MMDRRMC, tinalakay ang kahandaan ngayon panahon ng tag-ulan

Nagpulong ang Metro Manila Development Authority at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Mangement Council upang pag-usapan ang kahandaan ngayon panahon ng tag-ulan.

Isa sa mga tinalakay ang mga hakbang para maiwasan ang pagbaha sa mga kalsada ng Metro Manila pati na rin ang mga hakbang para maiwasan ang pagbigat ng trapiko dulot ng malakas na ulan.

Binigyang-pansin din ang pagkalat ng mga water borne disease na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga residente.

Tiniyak ng MMDA at MMDRRMC na patuloy nilang tutugunan ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente ng Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *