Pilipinas, handa sakaling tanggalin na WHO ang COVID-19 global health emergency

Handa umano ang Pilipinas, sakaling ideklara ng World Health Organization (WHO) ang pagtatapos sa global health emergency dahil sa COVID-19.

Batay sa ulat, nakatakdang magpulong ang WHO Emergency Committee sa January 27 ra ikonsidera kung ang COVID-19 ay kumakatawan parin sa global emergency, tatlong taon matapos ideklara ang naturang pandemya.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kung sakaling mang tanggalin na ang state of public health emergency, mananatili umanong “cautious at vigilant” ang bansa laban coronavirus, at ipapatupad parin ang kaparehong mga restrictions.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Matatandaan na noong December 2022, nagpahayag ang WHO pagnanais na hindi na maging  global health emergency ang COVID-19 ngayong 2023.

Hinimok din nila ang China, na magbahagi ng impormasyon na tutukoy kung papaanu talaga nagsimula ang pandemya.