Pilipinas, bumoto na pabor sa resolusyon ng UN na nanawagan ng tigil-putukan

Binago ng Pilipinas ang posisyon nito kaugnay sa giyera ng Israel at ng grupong Hamas.

Mula sa pag-abstained noong Oktubre sa naunang panawagan ng United Nations na humanitarian truce, isa na ngayon ang Pilipinas sa 153 bansa na pumabor sa resolusyon ng UN na nanawagan ng agarang cease fire o tigil putukan.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ayon kay Philippine Permanent Representative to the UN Antonio Lagdameo, pinapahalagahan ng bansa ang pagsunod sa International Humanitarian Law.

Mahalagang hakbang din ang tigil putukan para matugunan ang paghahatid ng humanitarian aid sa mga apektadong civilian.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Nanawagan na rin si Pope Francis sa agarang humanitarian cease fire sa Gaza habang si US President Joe Biden naman ay naniniwala na nawawalan na ng International Support ang Israel dahil sa walang habas na pambobomba.