Mga kaso ni Quiboloy sa Amerika posibleng maungkat sa Kamara

Posibleng ungkatin sa pagdinig sa Kamara ang mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa Amerika tulad ng human at sex trafficking kasabay ng pagdinig sa prangkisa ng Sonshine Media Network International.

Ayon kay Rep. Gus Tambunting mas gusto pa rin nilang tutukan ang tungkol sa franchise agreement ngunit posibleng maungkat ang isyu ni Quiboloy.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Sinabi naman ng abogado ng SMNI na si Atty. Mark Tolentino, wala namang kaugnayan sa jurisdiction at authority ng franchise ng SMNI ang isyu ng pastor.

Isasama rin sa pagdinig ang panukalang ng One Rider Partylist na tanggalan ng prangkisa ang Swara Sug Media Corporation SMNI.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Sinagot naman ni Rep. Ramon Rodrigo Guiterrez ang mga tanong na baka naapektuhan na ang mga karapatan sa pamamahayag sa mga pumupuna sa gobyerno.

Sa susunod na hearing sa Enero nakatakdang paharapin si Quiboloy sa Kamara.