Panukalang Charter Change na isinusulong ng Kamara, hindi pabor sa ilang Senador

Tila hindi interesado ang ilang senador sa layong pagbabago ng Salingang Batas.

Ito’y sa kabila ng pagsusulong ng Kamara na talakayin ang charter change sa susunod na taon.

Nakulitan si Sen. Imee Marcos sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na uunahin nilang talakayin ang charter change sa bagong taon, hinila pa niya na baka may gusto mag-prime minister kaya isinusulong ang Cha-Cha.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Depensa naman ni House Deputy Speaker Rep. Aurelio Gonzalez na walang pinag-uusapang pagsusulong ng prime minister ang Kamara.

Giit naman ni Sen. Chiz Escudero may mga punto na dapat gawin ang mga nagtutulak ng Cha-Cha gaya ng kung anong mga probisyon ang gusto nilang baguhin at anong proseso ang gagawin sa pag-amyenda sa konstitusyon.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sinabi pa ni Escudero kung walang malinaw na punto ay hindi pa akmang magbigay ng posisyon sa Cha-Cha.

Para naman kay Sen. JV Ejercito  hindi magugustuhan ng publiko ang pagna-nais ng Kamara na isulong ang Charter Change.

Bukas naman sa usaping Cha-Cha si Sen. Koko Pimentel pero para lang sa pagbabago ng porma ng gobyerno patungong Pederalismo at hindi sa pagpapalawig ng termino ng mga politiko.