Php2K halaga ng Marijuana nakumpiska sa buy-bust ops

SORSOGON CITY – Tinatayang nasa P2K halaga ng Marijuana ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operations ng Sorsogon City Drug Enforcement Unit.

Kinilala ang suspek na si Rafael Jaymalin Dagñalan, 31-anyos, binata, construction worker at naninirahan sa Sitio Madan-an, Brgy Bibincahan sa lungsod ng Sorsogon.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Matapos ang transaksyon ay agad na inaresto ang suspek habang nakumpiska dito ang dalawang ziplock sachet na may laman na pinatuyong dahon ng Marijuana at isang brown paper na may laman din na Marijuana.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ayon sa source ng Brigada News, aabot sa 9.3639 grams  ang nakumpiskang dahon ng Marijuana with fruiting tops na nagkakahalaga ng Php2K.

Si Dagñalan ay nasa drug watch list ng Sorsogon City PNP at priority target din ng COPLAN COSMO.