CAMARINES NORTE – Patuloy na nararanasan sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga mahihina hanggang sa kung minsan ay malalakas na pag ulan simula pa kahapon.
Kaninang umaga ay nasa yellow alert ang lalawigan at nakakaapekto ang light to moderate at kung minsan ay malalakas na pag ulan.
Ayon sa Philippine Coast wala namang nakabanderang gale warning ang Pagasa ngayong araw pero ramdam ang epekto ng sama ng panahon.
Tuloy- tuloy lang din sa pagbiyahe ang passenger boat na naghahatid ng pasahero mula Mercedes port hanggang Manguisoc at vice versa kaninang umaga.
Wala rin umanong naitalang stranded na turista sa mga pangunaing tourist destination sa lalawigan.
Purnada naman ngayon ang island hopping sa mga pangunahing tourist destination tulad sa Calaguas island at 7 islands ng Mercedes.
Inaasahan kasi na dadagsa ang mga turista sa mga nabanggit na isla ngayong Semana Santa pero tila hindi na ito mangyayari dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
Noon lang Marso ay tumaas ang tourist arrival sa Calaguas at 7 islands kasunod ng pagluwag ng mga restrictions.
Samantala, nag abiso naman ang Primewater hinggil sa paghina hanggang sa pagkawala ng daloy ng tubig sa ilang lugar.
Batay sa advisory, nararanasan ngayon ang low pressure to no water sa Basud, Daet South at Mercedes simula pa kaninang alas 9 ng umaga dahil sa partial operation ng Dagotdotan Filtration Facility bunsod ng paglabo ng Mampurog River.
Nangyayari ito kapag nararanasan angmga pag ulan.
