PHP200K halagang tulong-pinansyal, ibinigay ng Landbank Legazpi para sa Mayon operations

LEGAZPI CITY – Nag-donate ang Landbank of the Philippines – Legazpi Branch ng PHP200,000 na halagang tulong-pinansyal sa Albay na maaaring magamit para sa Mayon Operations.

Ang cash aid ay iniabot ni LBP-Legazpi AVP/Branch Head Cesar Ramirez kay Gov. Edcel “Grex” Lagman.

Isang acknowledgment receipt naman ang inisyu ni Provincial Treasurer Mayflor Atos-Deang kasama na ang Provincial Information Officer at Provincial Administrator na si Atty. Marylou Duka-Castillo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Lagman sa LBP-Legazpi para sa suporta nito sa lalawigan.

Kung matatandaan, inaasahang hanggang ngayong linggo na lamang umano ang itatagal ng quick response fund para sa Mayon operations ayon mismo sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).

Panglima ang LBP sa listahan ng mga nagpaabot ng monetary donations sa Albay na ginagamit nito ang cash donations para sa mga gastusin sa operasyon ng Mayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *