CAMARINES NORTE – Inilatag ng Primewater Camarines Norte ang mga nilalaman ng terms and conditions sa kanilang agreement para sa mga Barangay Payment Partner (BPP)
Ang BPP program ay isang joint initiative ng CNWD Primewater na layong magbigay ng ligtas at maayos na serbisyo sa mga kunsomidores.
Isa itong local- based payment program na makakatulong para ma- maximize ang role ng small scale entrepreneurs sa lalawigan.
Mayroong inilatag na mga responsibilidad para magkabilang panig.
Ilan lang sa responsibilidad ng BPP ay maglagay ng BPP signage sa kanilang establishment para madaling matukoy ng mga customer at ng Primewater.
Ang gagamitin lang ay ang online payment methods kung saan nakarehistro ang Primewater bilang biller tulad ng BancNet, Gcash, Lazada, Paymaya, Coins.ph at AllEasy para sa pagbababayd ng Primewater Camarines Norte Statementof Accopunt bago o sa mismong araw ng due date.
Kailangan ding magbigay ng initial proof of payment ang BPP sa customer sa pamamagitan ng screen shot ng successful transaction kaagad- agad pagkatapos nito o hanggang sa pagsasara ng business hours of the day ng transaction.
Pinagsusumite rin ang BPP ng confirmed list ng payment transactions sa Primewater Camarines Norte.
Kabilang naman sa mga responsibilidad ng Primewater ay ang pag- iisyu ng Official receipt sa BPP para sa validated online payment transactions at tulungan ang huli na patakbuhin ang online payment methods.
Una nang nilinaw ng kumpanya na hindi nito bibiglain ang pagpapatupad ng cashless transactions sa gitna ng pag- alma ng mga kunsomidores.
