Magpaaptupad ng oil price adjustment ang Phoenix Petroleum Philippines para sa mga istasyon nila sa Luzon.
Ito’y para makapagbigay ng bahagyang ginhawa sa publiko lalo na sa mga apektado ng Bagyong Carina.
Sa abiso ng kumpanya, magbabawas ang presyo ng kanilang diesel ng P0.75 kada litro.
Mayroon ding tapyas na P0.80 sa kada litro ng kanilang gasolina.
Epektibo ang bawas-presyo ngayong alas-sais ng gabi.