Senador, nanawagan ng ‘high impact’ o malaking ticket flood control projects imbis na patsyadong proyekto

Mahirap tanggapin ayon kay Senador JV Ejercito ang katunayang tila hindi maayos ang pagpaplano at pagpapatupad ng inilalaan nilang mahigit P300 bilyon para sa flood control bawat taon.

Anya, dahil dito ay nais niyang ipagpatuloy ang pagtulak sa pagkakaroon ng komprehensibong masterplan para sa pagpapaunlad ng imprastruktura ng bansa.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kasunod nito, ipinunto niyang dapat lang magkaroon ng ‘high impact’ o malaking ticket flood control projects upang matiyak ang maayos na resulta ng proyekto.

Dagdag pa niya, kung puro patchi patchi na proyekto lang ang magagawa ay mapupunta lang sa wala ang laang pondo para sa mga ganitong pagkakataon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon pa sa kanya, tiwala siya na ang kailangan ng Pilipinas ay mega dikes at maging malaking water impounding infrastructures upang makaresponde ng maayos sa mga ganitong sitwasyon.