PHO nababahala sa pagtaas ng mga kaso ng Dengue sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nababahala ang Provincial Health Office (PHO) sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa Camarines Norte.

Batay sa datos ng ahensiya mula Enero hanggang Hunyo umaabot na sa 133 ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa buong lalawigan at lahat ng bayan ay mayroon ng mga naitalang kaso.

Pinakamarami sa Daet na may 42 na sinusundan ng Basud na may 20 at Mercedes na mayroong 13.

Habang ang bayan naman ng Capalonga ay nakapagtala na ng tig- isang kaso at tig- dalawa sa San Vicente at Sta Elena.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na inaasahan talaga ang pagtaas ng kaso ng dengue kapag sumasapit na ang rainy season.

Pero aminado itong hindi inasahan ng PHO ang ganito kataas na mga kaso.

Kaugnay nito ay inatasan na umano ni Francisco ang dengue Provincial Program Coordinator na bumaba sa mga barangay upang tingnan kung mayroong clustering of cases.

Nangyayari ang clustering of cases kapag mayroong naitatalang dalawa hanggang limang kaso sa bawat Purok o Barangay ng magkakasunod na panahon.

“Pag nakikita naming may clustering pinupuntahan namin yan at doon sa mga Purok na yan o barangay na yan ay kinakausap namin ang Barangay Captain, Brgy Kagawad for health, BHW, BNS and the rest of the barangay health workers kasama rin yung mga purok leaders,” ani Francisco.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

“Doon pinag uusapan namin at pinaplano kung ano mga gagawin naming aktibidad para doon sa kanilang Purok o Barangay, mabawasan o ma -eradicate yung dengue ano, kasi may mga plano kaming binibigay isa na yung mga sabihin naming pag i- spray, pagbibigay ng mga insecticide.”

Ayon kay Francisco pinakamabisa pa ring solusyon ang palagiang paglilinis ng kapaligiran upang walang mapanahanan ang lamok na nagdadala ng dengue.