Paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat  sa karagatang sakop ng Camarines Norte pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard

CAMARINES NORTE- Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Camarines Norte simula Lunes ng hapon, July 11.

Dahil ito sa namataang Low Pressure Area sa East Northeast ng Legazpi City at East ng Daet.

Batay sa Notice to Mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Commander ng PCG Camarines Norte ipapatupad ang temporary suspension of voyage sa mga bangkang 250 GT pababa bilang proactive measure upang maiwasan ang maritime incident.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Papayagan ang muling pagbiyahe ng mga bangka sa sandaling gumanda na ang lagay ng panahon.

Maaari namang maglayag ang mga bangkang ang layunin ay magtago sa mas ligtas na lugar na mayroong written request pero hindi papayagang magsakay ng mga pasahero.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Simula pa Lunes ng hapon ay nararanasan na sa lalawigan ang maulap na papawirin na may kalat- kalat na mga pag ulan at thunderstorms dahil sa habagat at LPA.