Batangas City –
Kasabay sa kampanya ng gobyerno laban sa mga kolorum na sasakyan sa bansa, naghain ng kaso ang Land Transportation Office o LTO-Lucena sa tatlong colorum drivers na mula dalawang magkahiwalay na lugar sa probinsya ng Quezon.
Nahuli ang tatlong colorum drivers sa ilalim ng operasyon ng LTO-Lucena sa pagpapatupad ng “No Registration, No Travel Policy” sa naturang bayan.
Pare-parehong walang naipakitang dokumento at prangkisa kaya’t mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 11659, o ang Public Service Act.
Samantala, mariin namang kinokondena ng LTO-CALABARZON ang ganitong uri ng gawain ng mga vehicle operators.