PHIVOLCS, patuloy na pinag-iingat ang mga residente malapit sa Bulkang Taal

Batangas City – Ngayong nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, patuloy na pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residenteng malapit sa lugar matapos ang naganap na mahinang phreatic eruption, gabi noong Lunes.

Ayon sa PHIVOLCS, posibleng masundan pa ang mga ganitong klase ng aktibidad ng bulkan lalo’t patuloy ang pag-usok mula sa main crater.

Nabatid na umabot sa animnaraang metro ang taas ng ibinugang usok ng bulkan kasabay sa naganap na phreatic eruption.

Samantala, patuloy rin ang paalala ng PHIVOLCS na bawal ang pagpunta sa Taal Volcano Island lalo na sa main crater nito.