Grupo ng mga Tsuper sa Batangas, may panawagan sa mga kumpanya ng langis

Batangas City – Nanawagan ang Batangas Confederation of Jeepney Drivers and Operators Association sa malalaking kumpanya ng langis sa bansa na huwag namang samantalahin ang patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Ka Romeo Macailao, ang presidente ng grupo, iginiit niya na kung maaari sana ay huwag agad magdagdag ng presyo sa diesel ang mga kumpanya.

Aniya, dahil sa walang pasok ang mga estudyante ay mahina rin ang kita ng karamihan sa mga jeepney drivers.

Samantala, hinihiling din ng nasabing asosasyon na bigyang pansin ang pagkakaroon ng panibagong subsidy ng diesel at gasolina para sa mga namamasada.