PhilSys Registration Centers ibinalik sa ilang bayan sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Ibinalik sa ilang bayan sa Camarines Norte ang Registration Center upang mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakakapagparehistro sa Philippine Identification System o PhilSys.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) simula nitong Lunes, May 23 ay balik na ulit ang mga Registration Center sa mga munisipyo ng Daet, Mercedes, at Vinzons.

Nananatili ring operational ang iba pang Registration Centers na matatagpuan sa PSA Provincial Office sa Daet,  Capalonga,  Jose Panganiban, Labo, Paracale, Sta Elena at SM City Daet.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Bukas ang mga ito Lunes hanggang Sabado mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Una nang nagkaroon ng saturation activity ang PSA sa pamamagitan ng mobile registration sa mga barangay ng Basud, Capalonga, Jose Panganiban, Mercedes, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Vinzons.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Batay sa datos ng PSA hanggang noong Abril umaabot na sa 434, 231 CamNorteños ang nakapagparehistro  sa step 2 registration ng PhilSys.

Nasa 44, 298 naman na PhilSys ID ang nai turn- over sa Camarines Norte Philippine Postal Corporation na ipinamahagi naman sa clusters of Post Offices sa lalawigan.

Sa bilang na ito nasa 40, 661 CamNorteños ang nakatanggap na ng kanilang IDs.