Mga naliligo sa dagat pinag iingat sa jellyfish

CAMARINES NORTE- Muling nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga naliligo sa dagat na mag ingat sa jellyfish o mas kilala sa lalawigan ng Camarines Norte sa tawag na “salabay.”

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam bagamat walang masyadong appearance ng salabay ngayon sa karagatang sakop ng lalawigan ay mas mainam umano na palaging mag ingat upang iwas disgrasya.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Umapela naman ang opisyal sa mga nagmamay- ari ng resort na gawin lahat ang mga precautionary measures tulad ng paglalagay ng lambat sa lugar na pinaliliguan ng mga tao.

Ito ay upang hindi makapasok ang salabay kung mayroon man at masigurong ligtas ang mga turista.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon ay wala umanong appearance ng jellyfish dahil sa mga nararanasang pag ulan.

Kapag ganito raw kasi ang panahon na mayroong mga pag ulan ay hindi gaanong dumarami ang jellyfish.

Kamakailan lang ay opisyal nang ideneklara ng Pagasa ang panahon ng tag- ulan.