Philippine Women’s Football team, hindi na ‘Malditas’, ‘Filipinas’ na!

Goodbye “Malditas”, hello “Filipinas”.

Upang maging simple at nasyonalismo, pinalitan ng Philippine Football Federation (PFF) ang pambansang koponan ng women’s football team bilang “Filipinas”.

Ayon kay national team manager Jefferson Cheng ito ay upang sumalamin sa mga atletang Pinay na malakas ang loob, determinado, masigasig at hinihimok ng layunin na kumatawan hindi lamang sa kanilang sarili, kundi sa bansa.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Magugunitang tumatak ang ‘Malditas’ sa mga fans ng Philippine footbal subalit naisipan nila itong palitan bago pa ang makasaysayang pagsabak nito sa Women’s World Cup na naka-iskedyul sa susunod na taon.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Naniniwala naman si Cheng na mauunawaan at susuportahan ng mga Pinoy fans ang bagong moniker ng Philippine Women’s Football team.