CAMARINES NORTE- Pinalawig ng Social Security System ang compliance sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) nang hanggang June 30, 2022 mula sa orihinal na March 31, 2022 deadline.
Batay ito sa kalatas na ipinadala nitong Huwebes sa media via email ni SSS Luzon Bicol Division Senior Communication Analyst Quennie Joy Agsao makaraang ianunsiyo mismo ni SSS President at CEO Michael Regino ang tungkol sa pagpapalawig ng deadline.
Layon ng deadline extension na bigyan ng sapat na panahon ang mga hindi pa nakakapag- comply para hindi maantala ang pagtanggap ng monthly pension.
Sakop ng ACOP ang mga regular na pensyonadong naninirahan abroad, disability pensioners, surviving pensioners, at dependent pensioners.
Kaugnay nito ay hinimok ng SSS ang mga hindi pa nakakapag comply na agad na itong asikasuhin upang hindi malagpasan ng panibagong deadline.
Mayroon umanong iba’t- ibang kaparaanan na ginawa ang SSS nang hindi ipinagwalalang bahala ang kaligtasan at kaginhawahan ng pensioners.
Ang guidelines at documentary requirements para sa iba’t- ibang methods of compliance tulad ng e-mail, mail, courier, drop box, video conference, at home visit (for total disability pensioners residing in the Philippines) ay maaaring ma- access sa https://bit.ly/3iwZBUE.
Ang covered pensioners ng ACOP na nakapag comply na para sa calendar year 2021 ay hindi na required na mag re- submit ng kanilang compliance.
Ang karaniwang schedule ng ACOP ay magre- resume sa July 1, 2022.
Una nang sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na maaaring magproseso ng ACOP compliance sa mga service offices ng SSS sa Sta Elena, Labo at Jose Panganiban para hindi maipon sa Daet mother branch.
Nagtatanggap naman ng ACOP form ang SSS Daet Branch at pwedeng isumite ang mga dokumento sa pamamagitan ng drop box.
