Philippine Ports Authority ng Matnog, Sorsogon, may paglilinaw sa umano’y “fixer” sa Matnog port

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ng Philippine Ports Authority (PPA) Matnog, Sorsogon ang reklamo tungkol sa usaping umano’y paniningil ng PHP20 sa mga pasahero ng Matnog Port upang mapabilis ang kanilang pagtatawid.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Achilles Galindes ng kaparehong tanggapan, sinabi niyang ang nabanggit na reklamo ay nakarating na sa kanilang opisina noon pamang Nobyembre 30 ng nakaraang taon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, ang nasabing paniningil ay hindi naman nangyayari sa loob ng pantalan kundi sa labas.

Bago pa man umano pumasok ang lahat ng mga pasahero sa loob ng pantalan ay bayad sila sa lahat ng mga babayaran at wala na rin silang anumang transaksyon sa loob.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ito umano ay dahil sa itinayo nilang one-stop-shop sa labas ng pantalan sa tulong ng Provincial Government ng Sorsogon.

Nagpalabas na rin umano sila ng pahayag noon na ang umano’y paniningil ay hindi naman saklaw ng kanilang requirement ng PPA upang makapasok sila sa pantalan at makasakay ng barko.