DILG Region 3, nakiisa sa launching ng hapag project

Nakiisa ang Department of the Interior and Local Government o DILG Region 3 sa national launching ng HAPAG o Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay project: Araw ng Pagkaing Masustansya at Sapat.

Ginanap ang launching sa Quezon city kahapon, at pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang HAPAG ay isang proyekto na layong suportahan ang kakulangan ng suplay ng pagkain gaya ng gulay, prutas at mga pangunahing pagkain ng pamilyang Pilipino.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nakapaloob sa nasabing proyekto ang paghikayat sa lahat ng mga barangay sa bansa na humanap ng bakanteng lupa para pagtamnan ng iba’t ibang uri ng punongkahoy, gulay at prutas.