Philippine Navy, tiniyak na walang dapat ikabahala sa 2 barko ng China

Tiniyak ng Philippine Navy na walang dapat ikabahala sa dalawang Chinese Research Vessels na na namataan sa Philippine Rise.

Ayon kay PN Spokersperson, Commodore Roy Vincent Trinidad, isa lamang itong normal na pagdaan ng barko ng China dahil malaya namang maglayag ang ibang bansa sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Taliwas ito sa sinabi ng isang maritime analyst na si Ray Powell na kailangan pagtuunan ng pansin ang mga kinikilos ng China dahil baka’y angkinin na naman ang teritoryo ng bansa.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Sa huling monitoring ng Philippine Navy, tatlong araw na naglayag ang barko ng China sa Northern Luzon kabilang na ang kinaroroonan ng Benham Rise.